'Cold Spring' na may P20 admission, tampok sa Agusan Del Norte
- tumipi cold spring
- May 20, 2023
- 1 min read
Bayan Mo, Ipatrol Mo
Posted at Apr 29 2023 01:07 PM | Updated as of Apr 29 2023 01:25 PM

Sa halagang P20 ay ma-e-enjoy na ang nakabibighaning Tumipi Cold Spring sa Brgy. Putingbato, Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Ito ang masayang kwento ni Bayan Patroller Verna Sajol na namasyal sa nasabing cold spring noong Lunes, April 24 kasama ang kanyang karelasyon.
Dagdag pa ni Sajol, kung maliligo sa Tumipi Cold Spring ay pwede ding makapag-rent ng life vest sa halagang 50 pesos.
Ang makikitang malalaking cottage sa mga ibihaging larawan ni Verna ay pwede naman aniyang rentahan sa halagang 300 pesos.
Mula Cabadbaran highway ay bumyahe sila Verna ng nasa 30 minuto para makarating ang Tumipi Cold Spring.
Sa sobrang enjoy nilang magkarelasyon ay balak nilang bumalik sa Tumipi Cold Spring ngayong weekend, pagtatapos ni Sajol.
Comments